Tuesday, October 12, 2004

eLeMEnTaRYa...

ang sarap talagang sariwain noong tayo ay grade school pa. Natuto tayong mag sulat mag gunting o gupit, mag kulay at mag basa.Naalala ko pa nga noon nung kinder pa lang ako ay pag kalaki-laking notebook na my talong guhit at my kulay pula, berde at itim (WRITING NOTEBOOK) doon tayong unang natutong mag sulat sa pamamagitan ng mga tuldok at mga guhit na yun ay ipinag kakabit-kabit natin ang mga ito upang mkabuo ng letra o bagay? diba? naalala mo pa ba yun?

tapos my mga linyang papagupit sayo. my zigzag,tuwid na linya pa bilog at parisukat?. Sabi kasi ng aming guro pampaganda yun ng sulat at pam palakas ng motor skills ng bata. kaya itoy ginagawa.

at papakulayan pa sayo ang ibat-ibang hugis ng gulay, object o mga bagay!..
at kahit hindi mo alam ang kulay nito! hala kulay pa din!!..

tapos pag mag rerecess. break na! yun ang pinaka masarap na bahagi ng buhay ko bilang pre-school! ang kumain!! pero? eto ewan ko lang kung naalala mo pa ito!bago kumain ay nag huhugas muna kayo. pila-pila pa nga kayo eh? para mag hugas ng kamay. at pagkatapos noon ay mag darasal nanaman kayo. tapos kakain na!!.

ang sarap balikbalikan diba??.. cge balikan natin!!!

naalala ko pa noon na ayokong pumasok dahil sa napaka taray ng aming guro.. talagang namamalo,nagungurot at higit sa lahat! ang naninigaw!! at papahiya ka sa tapat ng klase. kasi dati ang naabutan ko nung pre-school ako ay ang makalumang approach ng isang guro! mahigpit na akala mo ay mga bruha!! hindi tulad ngayon halos iduyan ka sa bait ng mga guro!!.. pero dati saamin. NAKO PO!! madaming takot sa titser nila!! lalong lalo na yung guro ko noong kinder-prep ako! c teacher LYN!! yan ang pinaka kinatatakutan ko.. kaya cguro hindi ako nakakakumpleto ng isang linggong pag pasok dahilan sa paninigaw at pangungurot na ginagawa niya!.lahat na ata ng sakit naging rason ko na upang hindi makapasok! sakit sa tiyan, masakit ang ulo, nilalagnat (NAG FEFEELING LANG),my sore-eyes( LALAGYAN NG SABON ANG MATA PARA MAMULA)at kung anu-ano pa!!.. lahat!! napansin na ata ng aking mga magulang na parang my kinatatakutan ako kaya ayoko na pumasok.. kya yun napaamin din ako. kaya tuloy ang pasok!!..

haay!! anu kaya pa ba??.. cge eto pa!!

kayo ba nakapasok na tapos naiwan na kayo ng sundo tapos wala pala kayong pasok? saakin nangyari na yan!!.. papasok palang ako sa iskul ko ay my malaking-malaking nakasulat sa loob ng iskul sa my blakbord! NO CLASSES TODAY!!.. alam mo yun gusto ko nang mapaiyak dahil ako lang ang nag iisa sa iskul ko at ang gwardya?? hindi ko din alam kung papano ako kokontak sa kanila eh nung panahon na yun wala pa kameng telepono! kaya yun napilitan akong mag lakad ng mahigit 10 kilometro simula sa iskwelahan namin.. pauwi ng bahay!.. halos gusto ko nang umiyak at napaka bigat ng loob ko dahil wala akong pera at walang sumundo saakin!!.. grrrr!!! kakainis. at noong nakarating na ko sa bahay namin.. ako'y naghahangos sa pawis, amoy araw, at uhaw na uhaw.. alam mo ba na napaiyak ang nanay ko sa awa!!. at ako naman ay napaiyak na din!! nkakaawa noh?? pero natatawa ka na?? ayos yan!!

tapos ewan ko kung natatandaan mo pa to! ang pinaka masaya noong grade school ka yung pupunta sa iskwelhan nyo sina SUSI AT GENO ng SUSTAGEN!! at mag sasayaw at kakanta. at minsan pag maswerte ang skul nyo my play pa yun minsan!! haay ang sarap noon.. libreng sustagen, mga free items at kung anu-anu pa!! naalala ko noon nasobrahan ata ako sa sustagen.. nag tae-tae ako!!.. hahahahhah!!! 2 araw yun ah!! libre eh?? basta pumila ka lang! my isang baso ka na!!..alam ko pa noon dati inaabangan ito taon-taon. hindi pwedeng mawala sina SUSI at GENO!..

at kasunod naman nyan syempre ang walang kamatayang MILO promotion na nag pupunta din sa ibat-ibang skul!! tapos kung sinong my milo wrapper na 500mg tapos plus 100 pesos my libre ka ng basket-ball.. halos ata lahat kame sa section namin noon meron!! hahahah!!! lahat nag babasket ball!! walang makashoot halos lahat tumitira!! lahat ng bola nagkakatamaan!!.. hahahaha!!!!.. whoaa!!..

syempre! cgurado eto hindi mo makakalimutan! ang araw ng biyernes!! P.E. DAY!! lahat nka p.e. at syempre maglalaro ang lahat!!.. first subject namin yan noong elementarya pa ko!!.. grade 1 ata yun?? basta! nkakatawa pa noon yung mga laro namin!.. OPEN THE BASKET, THE BOAT IS SINKING, TAPOS YUNG MAGKAKABITKABIT KAYO AT MAG BUBUO KAYO NG BILOG TAPOS MY KAKANTA TAPOS MY NKAPIKIT SA GITNA TAPOS UMIIKOT SIYA TAPOS KUNG KANINO MATIGIL YUNG KAMAY NYA SYA NAMN ANG SA GITNA!. HAHAHHA!! ang sarap!! naalala ko pa noon pag umaga. yung laro ng lahat! MORO-MORO!! may kanya kanyang base!! tapos paramihan ng mga kakampi.. syempre?? section namin ang my pinaka malakas noon!!!..

naranasan ko na ding masugatan, mainlove at kung anu-ano pa!.. ganyan talaga ang grade school.. dyan nag sisimula ang lahat. at diyan din nagiging matatag ang isang istudyante..

dito pala lahat nagsisimula..

ang sarap balikbalikan!!!!..

my susunod pa!!!..

abangan!!!

1 Comments:

At 11:17 PM, Anonymous Anonymous said...

S INYO cGURO GaNOn,PERO KNG LUMAKI S PROBISYA. ULTIMO BLAT NG KENDI, BLAT NG YOCI,, At KHIT TANSANG PINITPIT AYOS N PARA pagLAPUAN.SWERTE N DIN KNG MY T.V. ANG 1 S MGA KPITBAHAY NYO. YON N ANG T.V. NG BUONG BRGY.

SA TINGIN KO TOL, Khit DI NAMan tkutin ng isng guro ang mga bata mppsunod nya yan basta mkuha nya lng ang rewspeto ng mga ito.meron kcng psychological effect yan s bta!2lad nga ng sbi mo prang ayw mo ng pumasok ng skul.pero cguro nga kanya2 lng n istratihiya ang mga guro.

-manganganton

 

Post a Comment

<< Home