Tuesday, November 09, 2004

pananaw ng isang simpleng tao..

matagal na din akong di nkakapag sulat sapagkat akoy maraming pinagkakaabalahan nung mga nakalipas na panahon. madaming insikaso,inihanda at pinagkaabalahan. nakalimutan ko na palang magsulat. nakakamis din pala kahit papano.

ang sarap pag my napagtagumpayan o natapos kang bagay na akala mong hindi possibleng mangyari, akala mong hindi matatapos. ang sarap kung lahat nag tratrabaho at napapakinabangan ang isat-isa. ang sarap tingnan diba?. nagtutulong-tulong.

walang problema.. haay!!! ang sarap!.. walang tamad..


sana ganito lahat ng tao upang umasenso ang ating bansa at lipunan. siguro sa palagay ko kung tayong mga pilipino ay mag tutulungan ang buhay ay magiging mapayapa at masaya.

minsan pag nahahaluan na ng katarantaduhan ang isang bagay sumasama o nagiging tukso ito sa isang gawaing hindi mo naman ginagawa noon. parang mga tiwaling opisyan ng gobyerno sa pilipinas. ang lakas ng loob gumawa ng katarantaduhan.. na hindi naman nilang kayang panindigan. ang daming kinorakot, nagpayaman at nag pasarap ng buhay. samantala ang daming taong naghihirap,nagpapakasakit, at naghihinagpis.

nakakapag taka ano po? na nagagawa nila ito kapalit ng pag suway nila sa batas ng tao at batas ng diyos.


ako minsan pag akoy nag lalakad, namamasahe, o nag mamaneho.. naiisip ko? lang ya! ang hirap na talaga ng bansa natin.. dinagdagan pa ng mga tiwalang opisyal ng gobyerno na walang ginawa kundi mag payaman na ninanakaw ang kaban ng bayan!..

basta ako pag dating ng gabi nkakatulog ako ng mahimbing. dahil walang nag hahabol saakin.. walang naghahanap.. at walang ginawang niloko at kinorakot kahit kanino..

sila kaya? nakakatulog pa?? ng mahimbing??..




0 Comments:

Post a Comment

<< Home