Sunday, June 26, 2005

Kwentong AIRPORT

Image hosted by TinyPic.com

ibat ibang mukha, itsura, kultura, at pagkatao ang makikita mo sa paliparan ng ating bansa sa "AIRPORT" may mga masaya may mga nalulungkot at my iba naman na parang ngayon palang nak-apak ng isang paliparan. Ang iba ay para makipag sapalaran sa ibang bansa ang iba naman ay magbabakasyon lang sa ibang bansa at ang iba naman ay kailangan lumabas ng bansa upang dumalo ng mga okasyong pang gobyerno.


minsan nga nakakita pa ako ng buong pamilya halos dalawang dyip buong barangay ang kasama.. maghahatid o mag susundo lang naman..yung iba naman mag-isa lang talagang pumupuntang paliparan. dito ko tuloy nakita ang pagmamahal at pagpapahalaga ng mga noypi sa pamilya..

kahit na gaano pa kalayo ang pinangalingan basta masalubong o maihatid lang ang kanilang minamahal. Andyan yung iyakan halak-hakan,mga bilin, pasalubong, at higit sa lahat yakapan!..

Oo madami ka nitong makikita sa paliparan natin mga Seaman, DH, contract worker, at yung mga maninirahan sa ibang bansa MIGRATE.

Grabe kaya minsan ibat-ibang reaksyon ng mukha ang nakikita mo sa airport. my nakakunot ang noo dahil sa sobrang haba at higpit ng seguridad.. meron namanng parang nawawala, meron din akala mo maiiwanan ng eroplano, at eto pa ang nakakatawa!.. meron din iba di marunong mag INGLES lalo na yung mga koreano ang alam lang ang mag YES ng YES!...

haay.. ang buhay natin parang airport din pala.. may mga umaalis at namamaalam.. may dumarating at umuuwi.. may hinahatid at sinusundo.. may tamis at anghang ng buhay.. may mga iniiwang sandali na hindi malimutan at laging mananatili sa iyong damdamin at isipan.

ganyan ang buhay sa airpot my tamis at minsan naman my kagat ng asim..

Image hosted by TinyPic.com


ang higpit ng seguridad at ng mga check-in counters ay maiihalintulad mo sa pagsubok ng buhay.. tinitinganan kung ok ang lahat... ang lahat ba ay maayos para walang abalang mangyayaring masama o bulilyaso. at sinisigurado na matiwalasay ang paglipad mo patungong ibang bansa.. parang buhay ng tao diba. kelangan lahat ng gagawin at desisiyon mo maayos at lahat tama. hanggat maari walang ilegal. parang hustisya na papatawan ka kung anung desisyon sayo.. basta dapat lahat maayos walang palpak!..

Image hosted by TinyPic.com

ang lahat ng makikita mo sa paliparan ay minsan maiihalintulad mo sa buhay.. immigration, baggage counter, cutoms . isinasaayos at pinapabuti ang lahat ng pumapasok at lumalabas sa bansa.. pero hindi din natin maiiwasan ang bahid ng tukso na nanaig sa mga ito nandyan ang abutan, padulas o in short UNDER THE TABLE. parang buhay din diba may mga kanya kanyang baho din o Loop holes.. ganyan talaga tao lang tayo.. my mga pangagailangan.. kaya naman siguro nangyayari yang mga ganyan..

yan ang buhay sa PALIPARAN.. parang buhay.. lahat my ibig sabihin.. lahat dapat pagdaanan o daanan.. sa buhay ng tao lahat ng ito dapat maranasan para maramdaman kung anung ibig sabihin nito..

ang pagtatanung ay walang bayad wag magmarunong..

kahit gaano kahigpit .. isipin mo nalang na kapamilya mo sila..

Image hosted by TinyPic.com

"ang mga eroplano at ang lagit kahit gaano kataas kaibigan abot tanaw pa rin"..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home