Tuesday, September 13, 2005

PLAY SAFE

hindi nanaman ako makatulog ewan ko ba kung bakit? kagabi pa toh eh?.. ewan ko ba? basta?.. nakakainis! minsan nga iniisip ko na durugista ba ako?.

oo na sasabihin mo korny ito pero hindi. oo tungkol nanaman to sa bwisit na pagmamahal hindi ko kasi maiwasan na i-isang tabi ito eh? ang hirap kung mas lalo mo siyang nilulubayan mas lalong hinahanap hanap ng sarili mo.

sabi ko kasi dati bahala na kahit wala akong girlfriend ok lang! pero ang hirap pala. minsan naman didiskarte ka tapos yung pinopormahan mo my boyfriend naman ang hirap! punyeta!
minsan naman meron ngang maganda dyan mabait pero yun naman pala eh iba ang habol sayo! BMW pala sya (babaeng mahilig sa wheels) oh d naman kaya CARLA!( car lover) haay. oo sa panahon ngayon mahirap na pala makahanap ng babaeng mamahalin kung wala kang kotse at higit sa lahat pera.

oo hindi lingid saaking kaalaman halos lahat ngayon ng mga babae ito na ang hinahanap! syempre gusto din naman nila lumagar sa SIGURADO! PLAY-SAFE ika nga?.. diba? ewan ko ba!.

minsan tuloy nakakatakot mag mahal ng babae kung ito lang ang habol. at mas nakakatakot kung wala naman palang pag-ibig na nararamdaman sayo diba?. mas nakakatakot yun.. ayoko mangyari saakin yun!..

oo masarap magmahal. yung my nag care sayo... hug.. kiss.. smell.. simple things that make your relationship PERFECT. oo maarte pakinggan pero ginagawa nyo yang mga yan ng walang alinlangan at minsan din d nyo alam ginagawa nyo na yang kakornyhan na yan!..


ang sarap ng my ka-holdinghands, ka hug while your walking sa street, yung bibili kayo ng fishball sa tabi tapos susubuan ka nya, yung magpupunas ng pawis mo pag naglalakad kayo, yung kasabay mong bumili ng coke sa tindahan kasi inutusan kayo ng nanay nya kasi mag memerienda na kayo, tapos yung kasabay mo umuwi nasa bus kayo nagkukulitan at sobrang sweet at minsan naman natutulog sya sa balikat mo..

ang nakakamiss yung usapan sa telepono ng matagal yung magkasama palang kayo ng maghapon tapos maguusap pa kayo sa telepono pag uwi mo.

sarap ng feeling nang ganun noh! haay....


pero mahirap na sigurong hanapin yang mga ganyan sa panahon ngayon..

kelangan kasi naka tsekot ka na!.. my breads ka na pare!.. lalo na kung KONYA WANABE STARBUCKS TAMBAY ANG GURL MO! mag handa ka na ng mga 10,000 pesos sa bulsa mo at ihanda mo na din ang CREDIT CARD mo na dapat ang credit limit eh 100,000 pero pag extension ka lang ni daddy o ni mommy o ni ate? malamang hanggang 20,000 lang yan!.. pero ok na din yan at least maangas dating mo dba? laka mo sa GURLS!

oo napapansin ko yan.. minsan kapapanget ng mga BOYPREN ng mga babae at napakakaganda nila pero hala sige patol pa din! syempre nga naman DI-EXPIDITION naman! o kaya d CHEDENG..

haay... nasaan na yung LOVE? PAGMAMAHAL na tinatawag?

ewan ko ba? o sa mga babaeng makakabasa nito wag mag rereact ah! kilala nyo naman ang satili nyo?.. kung isa kayo sa mga nabanggit ko kasi ayaw ko lang mag kibit balikat sa mga nangyayari..

oo mahirap eh? d ko maiwasan mapansin... pasensya na!..

maraming mapagpanggap.. maraming mangagamit... wag mag palinlang kaibigan!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home