Friday, July 07, 2006

ASPIRANTE

alas singko na ng hapon at medyo ngarag na ko sa trabaho ko. Eto nga at gusto ko na umuwi kaso hanggang alas otso ako ng gabi ngayon kaya eto nag uubos ako ng oras!.


siguro naman hindi lingid sa makakabasa nito na nagtratrabaho din sa isang kompanya ang terminong "ASPIRANTE". nakakapikon lang at nakakainis isipin na pag aspirante na ang isang tao ay nag iiba ito ng ugali at pakikisama sa tao. Parang liliit ang mundo mo pag nararanasan mo ang ganitong situasyon pag my aspiranteng mga tao sa paligid mo lalo na pag pinaguusapan ang posisyon sa OPISINA!. madaming pa BIBO,NAGMAMAGALING,DUNONG-DUNUNGAN,NAGSUSUMIPSIP AT HIGIT SA LAHAT NANGHAHATAK PABABA. haay ewan ko ba likas na siguro sa adhikain at kultura ng mga pinoy ang ganitong mga bagay CRAB MENTALITY ika nga!..


wala naman akong pinatatamaan dito sa artikulo kong ito ngunit sana mamulat ang bawat isa na mali at hindi dapat ginagawa nag mga bagay na ganito dahil nakakasira at nakakaapekto sa samahan sa loob ng opisina at lalo na sa isat isa bilang tao.


basta ako tahimik lang realx lang!...istambay lang muna!..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home