Itinatagong Liwanag..(opinionadong artikolo lang po mga kuyang!)
Nsasaad sa biblya o sa libro ng sagradong batas ang mga sumusunod na kasabihang kung saan akoy napaalalahanan at nag balik tanaw sa isang kaganapan na nasusulat: May isang tanyag na mangangaral o guro ang nag papaliwanag sa kanayang mga istudyante o mga tga-sunod at sinabi nya ang katangang sumusunod; “kung kayo ay isang taong may mataas na integridad dapat lang na na my liwanag kayong isabog sa mundong ibabaw at wag ikubli o itago ang dalang kasinagan nito”
Eto ang dalawang bagay na kaganapan na nangyari saakin kamakailan lang. na kung saan akoy napaisip ng mataimtim tungkol sa mga Katagang nabangit.
May mga oras sa buhay ko kung saan nagiging abala tayo sa ating pang araw araw na buhay marahil ito ay sa ating trabaho, pag ibig, pamilya o sa ating bokasyon o di naman kaya sa mga gawa ng masonerya o nang ating logia. Minsan nga tinanong ako ng mga kapatid nating mason sa aming logia “kuyang buti nakaka attend ka pa ng meeting at activities natin dito? Sa dami mong ginagawa..” ang sagot ko sakanya : kuyang obligasyon nating bawat mason na gawan ng oras ang masoneriya hindi ang masonerya ang gagawa ng oras satin. Nagalak naman ako sa tanong na iyon ni hindi ako nasaktan o sumama ang aking loob bagamat napag tanto ko ang kasabihan sa ating obligasyon noong tayo ay lumuhod sa sagradong altar ng ating logia at nang ipinaliwanag ng marangal na guro mga gamit o instrumeto ng mason lalong lalo na ang dalawamput apat na pulagadang panukat. “maglaan ng oras sa ating diyos, namimighating kaptid,at oras sa ating panghiligyaman.
Noong isang gabi akoy nanuuod ako ng tv sa aking kwarto at napatigil sa isang istasyon kung saan isang documentaryo ng ating mga pambansang bayani at ang kasaysayan ng KKK o kagalang –galangan kataas-taasang katipunan ang ipinapaliwanag sa naturang palabas. Ikwinento kung papaano ito nagsimla, namayagpag,bumagsak at nagwakas. Detalyado mula sa maliit na pagsisimula nito hanggang sa mga batayan ng pag pasok para maging isang miyembro at kung sino-sino ang mga nanging anak ng samahan at nagging bayani nang ating bayan. Comprehensibo kung titingnan at susuriin ng isang simpleng tao o sabihin na nating taong inocente sa masoneriya. Ngunit nakakalungkot naman na hindi dito nababangit ang salitang MASON? O samahan ng MASON? O ang simulaiin nitong samahan ay kahalintulad ng MASON? O sabihin na nating galling sa isang pinagkakapitagpitagang samahan ng mga Mason.
Ito ba ay sinadya? Na talagang hindi isama saating kasaysayan ang mga TAMA at ang kontribusyon ng masonerya?.. o ang mga may akda ng ating librong pang kasaysayan kung saan ni hindi binangit ang samahan ng mga MASON na kung bakit nag mason ang ating mga bayani bago sila maging myembro ng KKK.tayong mga mason lang ang nakakaalam nito at mangilan-ngilan na may alam tungkol saating samahan. Sa aking pag kakaalam sa ibang bansa tulad ng estados unidos ang MASONRYA o FREEMASONRY ay merong nakalaang lugar sa kanilang hudikaturang pang kasaysayan hindi man ito ipinaliwanag ng lubos subalit ito ay kasama sa “brief history of formation of the U.S.A” at may maganda at comprehensibong explinasyon kung ano ang masonrya at ang ginawa nito sa kanilang kasaysayan at sa hinaharap.
Hangang kelan natin ito itatago? Hindi naman siguro ang ating mga bayani ang my kasalanan na hindi ito mabangit sa kanilang buhay-kasaysayan?. Minsan nga naiisip ko kung meron pang buhay na MASON na makakapag patunay kung ano ang masonerya noong mga araw na iyon?.ang sarap siguro pakingan at gunitain.
Ang ibig kong ipahiwatig at sabihin ay sa panahong ito kasama ang mga bagong henerasyong mga mason o ang mga nakatatandang kapatid nating mason na nabubuhay pa ay ipagpatuloy ang ating mahinhin na Gawain para sa mga nangangailangan tungo sa sangkatauhan o lipunan upang mapabuti ito.
Pero may mga pagkakataon na ang mga kontribusyon nating mga kapatid noong unang panahon at mapasa hanggang ngayon ay wag naman nating itago o ikubli marapat lamang na MAGBIGAY LIWANAG ng mensahe sa nakakararami lalong lalo na sa taong bayan at saating lipunan para sa kanilang kaalaman.
sa kabilang bagay; marahil ang ating nakalipas na pamamaraan at tradisyong nkahiligang itago o ikubli ang presensya sa ilalim ng balabal. Ito na ang kinahinantnan ng kasong napakatagal na at ganap nang laganap na ipinagpapatuloy pa din nating ipinapatupad at sinusunod magpasahanggang sa kasalukuyan.
Nung kamakaylan lang my narinig akong kwento sa isang kuyang din dito sa distrito namin my naganap na instalasyon noon ng mga opisyales nang kanilang logia. Kung saan dadating at dadalo ang isang marangal na guro mula sa ibang distrito at hindi pamilyar sa lugar. Noong marating na niya ang lugar.. sa kadahilanang hindi niya alam kung saan ang logia siya ay nag tanong sa kumpulan ng mga binata malapit sa plaza ng munisipalidad kung saan malapit ang nsabing templo ng mason “ magandang araw mga iho pwede bang mag tanong? Alam niyo ba ika kung saaan ang logia ng mga mason dito o ang kanilang templo?. Sagot ng isa sa mga binata: OPO! ‘baka naman pwede Mong ituro saakin kung saan ang daan? Sagot ng binata: hindi ko po maaring sabihin.. ‘SECRETO po kasi yon!’…
kahit na ang pananalita ng binatang iyon ay maliit na paratang ng panlilibak o panuya..
nakadikit pa din saating mga mason ang lumang imahe noong unang panahon. kung saan itinago nating mga mason ang ating liwanag o sinag… nang matagal na panahon.
Madalas na itinatago ang impluwensya ng masonerya sa ating kasaysayan.
Hanngang kalian?.
***
0 Comments:
Post a Comment
<< Home