Tuesday, September 28, 2004

+counterstrike+

couterstrike
aaron montenegro




HANGGANG SAAN aa
bot
ang paglalaro natin—
sila bilang terrorist
at tayo, counter-terrorist
kung hindi matutong tumalon
ayon sa iyong hilig,
o tumak
bo
nang nakapikit,
o sumayaw,
sumunod
sa anino mong hambog?



malapit na,
ilang laro pa
at
ma
pa
pa
tid
na
nang tulyan
ang ating alyansa.



matagal na kitang
gustong matira
sapagkat hindi sila,
kundi ikaw
ang terorista.

LUCKY ME! pambansang pagkain!

hindi lingid sa ating kaalaman na ang pilipinas ay isang mahirap na bansa. at hindi na rin nakakapag taka kung bakit nasabi ng maraming doctor, henyo, inhinyero at mga propesyonal na ang LUCKY ME instant noodles na ang pambansang pagkain ng mga pinoy.

kasama mo na ito sa lahat, pag katapos ng inuman pampahulas, sa agahan, hapunan, at ng mga MARALITA!

oo nga naman sa halagng 7.00 pesos ay busog na ang buong pamilya! at my sabaw pa? haluan mo ng isang itlog! ayos nang pantawid gutom sa kumakalam na tiyan ng isang katauhan.At masustansya pa! FORTIFIED with vit. daw yun eh?


kung kumikita ka ng isang daang piso sa isang araw malamang maiisip mo na ding kumain nalang ng lucky me!. pero hindi mo ba napansin?? na mas maraming idinagdag na kemikal o ADDITIVES kung tawagin sa ingles ang mga eto? upang mapasarap lamang ang sabaw at lasa nito?

hindi bat itoy nakamamatay? eto! ayun sa aking napansin mukang pinabibilis nitong bawian tayo ng buhay?..

bakit patuloy pa din itong kinakagat ng mamayang pilipino? kasi masarap mura na at marami pa ang makakain!.. alam mo naman saatin! gagawin lahat pumatay ng tao, mag nakaw, at mangutang upang mapunuan lamang ang kanilang mga sikmurang kumukulo?.

minsan akoy nag lalakad patungo sa sakayan ng bus. bago ako makarating doon. aba! my nakita akong mga palaboy na nasa isang sulok kumpulan, mabaho at malamig. sabay sabay na humihigop ng LUCKY ME noodles. dapat ba akong maawa oh mainis sa magulang nila? bkit kaya sila pinababayaan? bkit kaya sila lumalaboy at walang matirahan? hindi ko ba alam kung sino ang sisisihin ko. gobyerno ba? o ang kanilang mga magulang? o ang palpak na pag papatakbo ng sistema ng ating bansa pag dating sa ating kalusugan at pamilya?



mabuti nalang at nandyan si LUCKY ME para kahit papano.. napupunuan nito ang kagutumang nararanasan natin.. NATING mga pilipino. ang GUTOM na nararanasan ng ating bansa!


basta ako. alam ko nakakain na din ako ng lucky me. naitawid na din nito minsan ang aking pagkagutom. sana lang kung papaano din tayo tinutulungan ni LUCKY ME. sinisimulan na din nating magtulong tulong para sa ating sarili at lipunan.. para makawala sa nararanasang gutom nag ating bansa!.


o anu gutom ka na ba? mag LUCKY ME ka muna!

tara sabay sabay humigop!!!