Friday, December 30, 2011

Bagong taon.. Bagong yugto ng buhay..













Isang taon nanaman ang nakalipas. Madaming nangyari sa buhay ko na hindi ko maipaliwanag. Ang pagbangong hindi ko inaasahan at ang unit-unting pag angat ng kalagayan ko. Muntik na akong bumitaw ngunit patuloy pa din akong nanalig at umasa para malagpasan ang mga pagsubok na nangyari saaking buhay sa mga nakaraang taon. Natuto akong tangapin kung anong meron ako ngayon at magpasalamat kung anung man ang dumating na blessing sa buhay ko. Sabi nga ng isang kakilala ko. Stop complaining don’t ask what is missing but rather thank him for all your blessings.. marahil tama nga naman. Natuto ako maging simple, mapagkumbaba.. dumarating talaga sa buhay ng tao ang minsa’y nsa ibaba ka. Dati oo nsa taas ka pero ganun talaga ang ikot ng mundo at ng buhay eh. Hindi mo mapipigilan ang tadhana. Hindi din siguro ako nag ingataat hindi ko iningatan kung anung meron ako noon kaya isang iglap naglaho ang lahat… lahat-lahat.. kamuntikan pang mawala ang pinaka importanteng bagay sa buhay ko. Alam toh ng mga taong malapit sakin.. mabait pa din talaga sya. Alam nya ang gagawin nya saiyo sa panahong kelangan mo ng tulong..

Ngayon masasabi kong bagamat kulang… ngunit kuntento na ko.. ok na ito sa ngayon.nkakahinga na ko ng maluwang at nkakatulog na ko ng mahimbing na walang halong takot o bagabag sa aking isipan. babalik din tayo sa dating sitwasyon.. hintay lang. ang importante buo kaming pamilya, ok lahat ng mga kapatid ko, Masaya marahil ang aking ina sa mga nangyayari samin.ok na un sakin…simple… kung ano man ang nakalakip na pagsubok at mararanasan ko sa taong papasok marahil ito’y nkatadhana para saakin.. .

bagong taon.. bagong yugto ng buhay..