para mapabuti ka lang ANAK.!!! ano meron noon? ano ang mga nangyayari ngayon??
minsan ang sarap balik-balikan ng mga nakaraan mong naranasan sa buhay. Tulad noong bata ka pa? walang problema, walang inatupag kundi mag laro, kumain, matulog at mag-aral. at pag dating ng uwian mag lalaro nanaman.ako po ay lumaki sa isang simpleng pamilya. at my mahigpit na pagdidisiplina ng mugalang. noong ako'y bata pa naalala ko nung doon pa kami nkatira sa may di kalayuan sa tinitirahan namin sa ngayon, noong ngungupahan pa kame, di masyadong malaki ang bahay ngunit itoy matatawag mong tahanan kasi naman napakasaya at napaka sarap uwian.
kinabukasan mag lalaro kayo ng FAMILY COMPUTER na ang bala ay super mario. at mag kukuwentuhan tungkol sa TAKESHIS CASTLE na ang host ay si anjo at smokey.
at syempre pagkatapos noon funniest home video ng channel 9. diba? grabe ang sarap noong panahon na yun. iilan lang ang channel kaya siguro nag kakasundo ang bawat batang my telebisyon sa kanikanilang tahanan. kay sarap balikan! haay!!!!
naalala ko pa noon pag dating ng alas sais ng gabi dapat nasa bahay na kami. lahat nkapaligo na at mag hahanda na upang matulog. naiingit ako noon sa mga kalaro ko kasi sila bakit hanggang alas diyes ng gabi pwede pa silang lumabas??..
tapos pagkagising mo laro ulit kasama mo ang iyong mga kaibigan!. kaibigang nag turo sayo mag mura, mkipagsuntukan at mag sinungaling. Hindi ko naman sila sinisiraan pero heto talaga ang katotohanan na ang mga bagay na yun ay natututunan mo sa iyong mga kaibigan diba?.
ang sarap isipin na noon ang saya saya mo. parang walang pinoproblema? bakit ngayon? ang hirap..
kaya doon ko natutunan na kaya pala kami dinidisiplina noong bata pa kami ay para pala magamit mo ito sa iyong pag tanda. totoo yun! ang mga bata ngayon ay "mapupusok" lahat gustong subukan, lahat gustong pasukan.
sumasabay na din sa agos ng buhay na napakabilis na. oo mabilis na ngayon my cable tv na, text at kung anu anu pang teknolohiyang mag papabilis ng takbo ng buhay.
akoy nagulat noong akoy nkapanood ng cable tv na yan, noong bata pa ko na ang channel ay hanggang 50. ang daming pagpipilian at nandun din ang matagal ko nang pinangarap ang 24/7 na puro cartoons(cartoon network") oo yun na yun! yung pag gising mo hanggang sa matulog ka eh puro cartoons. tapos meron ding my mga pelikula ang dami!!.. kaya naman pansinin mo noon nung nag karoon nang cable tv d2 sa town namin wala na masyadong naglalaro sa labas lahat nakatutok sa telebisyon.
nakakalungkot isipin noon na bakit nag kaganito?? nawala ang tunay na ibig sabihin ng pagkabata ang paglalaro sa kalye??.
pansinin mo ngayon halos lahat ng mga bata nasa computershop na ginugugol ang oras, at minsan sa mall kung saan malamig at my mga sinehan. wala na talagang natitirang nag lalaro sa kalye. haay! nakakalungkot.
at eto pa nakakagulat ang isang grade 1, aba! napakagaling ng mag internet at mag text sa celfone? ang pamangkin ko nga eh? hindi marunong mag basa ng letra pero magaling na din mag counterstrike?? nakakagulat ang panahon ngayon.
kaya pala mahigpit ang pag didisiplina saakin noon. Ngayon ko lang nalaman kung bakit? bakit paulit-ulit na lang sinasabi sayo yung mga nakakatoreteng bulyaw sayo ng magulang mo!"MAGARAL KA NG MABUTI ANAK! WAG KANG TUTULAD SA MGA TAMBAY DIYAN SA KANTO"
tama nga sila! "walang magsasabi sayo ng bagay na mga ganyan kundi kaming mga magulang mo lamang!" pakelam ba sayo ng kaibigan mo kung anung pinag gagawa mo?.. kung sabagay tama nga yun!..
naalala ko yung sabi saakin ng yumao kong ama na ang kaibigan madami yan anak! ang magulang iisa lang at hindi pwede mapalitan.
lahat naman ng sinabi nila ay nagbunga. akoy nakapagtapos sa isang kolehiyong maganda at akoy naging iskolar sa pamamagitan ng aking isports. at iisa lang talaga ang naging dahilan upang maitawid ko ang mga ito. ang salitang "DISIPLINA,PAMILYA, DETERMINASYON AT TAHANAN" yan ang naging inspiration ko magpasa hanggang ngayon. Na itinuro ng aking mga magulang..