tuyong PASKO
nakalipas na ang kapaskuhan.. ang pakiramdam ko tuyong-tuyo ako ngayon. alam mo yun? ewan ko ba.. isa sa pinaka malungkot at pinaka nakakawang pasko ang naranasan ko ngayon.
konting regalo..
konting breads...
konting bumati ng maligayang pasko sayo?..
konting panahon upang lumabas ng bahay...
konti nalang ang nangangaroling..
konting inaanak na lang ang bumisita saakin..
konting kung anu anu pa..
at higit sa lahat! walang aguinaldo na natanggap!.
isa sa pinakamalungkot kong pasko cguro ito. o kung my darating pa.. ngayong mag babagong taon na. sana naman bagong buhay ang maranasan ko. aminin ko sayo magpasa hanggang ngayon tuyo at nanghihina pa din ako pag naalala ko ang kapaskuhan na nakalipas at ang parating na bagong taon..
nag uusap kami ng nanay ko kanina. tungkol sa mga nangyari sa pamilya namin sa taong ito.. alam mo sabi nya " haay.. salamat naman at my nakalipas pang taon na buhay pa tayo. at kahit my problema andito pa din".. alam mo nalungkot talaga ako.. ewan ko ba sa kadhilanan siguro sa hirap ng buhay o sa hirap ng nag daan na taon. alam naman nating maraming nangyari. pagdating kung saan saan.. buhay natin.. pulitka.. gobyerno.. at higit sa lahat ang mga napag daanan ng pilipinas pag dating sa mga kalamidad..
parang sinasabi ng diyos na... yan lang ang dapat sainyo!.. pero sana naman my katapusan din diba? sa tingin ko nga meron naman.. naalala ko naman parati ang ibinilin ng aking yumaong ama.. " dont worry son whenever your down or when you have problems. ups in youlife is on the way".. oo nga naman diba.. malay mo bukas manalo ako sa lotto.. o d kaya makapulot ako ng isang bag na pera. hindi pa din naman ako nasisiraan ng loob. my pag-asa pa aaron! my pag-asa pa.. buhay ka pa naman eh...
yun nga habang buhay ka pa.alagaan mo ito.. bibihira lang ang nabibigyan ng buhay tulad ng meron ako at ikaw ngayon na ibinigay niya.
bibihira lang din ang nakakaranas ng pasko at bagong taon.
swerte pa din pala.. isa ako doon.. kahit tuyo...