Monday, March 14, 2005

BATA

naalala mo pa ba kung nag lalaro ka sa labas ng inyong bahay noong ika'y bata pa ang mga sumusunod?
*mataya-taya
*monkey-monkey anabel
*langit-lupa
*piring-piringan
*shato
*tumbang preso
*patintero
*taguan
*luksong-baka!
*taya sa gitna. atbp
hindi lingid sa inyong kaalaman. ako po ay lumaki sa isang probinsya. Sa San pedro laguna. kung saan nung kapanahunan ko ang mga bata ay talagang nag lalaro sa labas ng bahay nila, sa kalye... walang oras ang pinapag lagpas. pag-gising sa umaga at sa katanghaliang tapat. hanggang sa matutulog ka nalang ay pinag uusapan nyo pa kung anung lalaruin at gagawin nyo kinabukasan..
haay.. samahan nyo ko at tuklasin natin ang ating mga nakaraan! tara na!
dati-rati mahilig talaga ako lumabas ng bahay. kaya nga hindi ka mag tataka ganito ang kulay ko! negro!.. hahaha!! pero ngayon medyo my improvement na.
pagkagcing ko palang. nag iipon-ipon na kami ng mga kalaro ko d2 sa village namin. kung saan-saan kami nkakarating at kung anu-anu ang aming mga nilalaro at ang ilan doon ay nabanggit ko kanina sa taas. ang saya ano?. oo maglalaro na kaagad kami. pag malapit na ang tanghalian medyo isa-isa na yang mag kakalasan at mag uuwian upang kumain. at kanya kanya na ding sunduan ng mga nanay, yaya, tatay, at mga kapatid nila sa mga kalaro ko at isa na ko doon.
matapos ang magtanghalian. medyo hapon na.. eto nanaman kami. laro nanaman. haay. parang nkakapagod anu? pero hindi- ok lang yan! wlang iniindang init kahit na titik na tirik ang araw!..
pag dating ng hapon.. eto na dito na mag sisimulang mag laro ang mga bata sa kalye.. ang pinaka sikat noon sa village namin ay tumbang preso, shato at luksong baka!.. ewan ko lang kung alam nyo pa yun?.. hahaha!..
pero ok naman eh diba ang sarap ng ganung pakiramdam. ang saya mo halos parang walang bukas. walang problema. sana bata nalang ako palagi..
pero unti-unti din pala itong nag lalaho habang tumatanda ka na. nag sisimulang mag binata at magdalaga ang mga bata.. andyan yung mag papatuli ang mga lalake at magsisimula magkaroan ng regla ang babae..
kanya-kanyang payabangan. pagandahan at pagwapuhan ang lahat. andyan yung mgkaka-crush ka na. mag kakapuppy-love. yung magkakatigyawat.. mgkakalove-letter at minsan nkikita mo nalang ang sarili mo ay gumagawa na..
ang mas nkakatawa pag pinapasagutan sayo ang mga slumbook.. who is your crush.. what is love.. etc. yan ang mga mbabasa mo madalas pag nag sasagot ka na nyan.. at higit sa lahat pag binigyan ka ng cruch mo nito at pinapasagutan sayo! dapat ilagay mo sa who is ur crush eh pangalan nya! hahahahah!.,. ayos! kakamis!
wow! biruin mo minsan ang sarap balik-balikan nito noh... kaso sadyang mabilis mag laho ang mga ito dahil sa panahon natin.. msyadong mabilis na..
pero kahit gaano kabilis maglaho, mawala at makalimutan ang mga ito sadyang ito lamang minsan ang nag bibigay inspirasyon sa katulad kong namuhay at naransan ang buhay na ganito. para kahit papano my maikwekwento din ako sa mga apo ko pag tumanda na ako. kwentong my bauluhan at masarap balik-balikan.