Friday, October 22, 2004

EpOL * ApPle



"if throw away an apple youll spoil it. but if you take a bite on it, youll take a part of it for the rest of your life."


ang buhay natin parang mansanas din pala. kung itatapon mo ito walang makikinabang..
pero kung itoy iingatan at kakagatan maraming pwedeng mangyari.. at ikaw ang makikinabang pang habang buhay.



ang mansanas nang buhay natin ang pinaka importante sa lahat. ang sarap alalahanin ang mga nangyari sa buhay natin..



madami na din akong mansanas na itinapon.. at meron din naman akong mga kinain.. ang mga pagkakamali at mga mangilan-ngilan na tama na nangyari sa buhay ko.hindi ko pinagsisihan yun bagamat nagbigay saakin ng lakas ng loob upang bumili at kumain muli ng mansanas. ( gets mo?)


kung ang lahat siguro ng tao eh kakagat sa mansanas nila.. ciguro magiging matiwasay ang buhay ng bawat isa.. siguro lahat ng tao ay mapayapang namumuhay, dahil alam nila na ang mansanas na hawak nila ay kakainin nila at hindi nila ito itatapon.


walang masasayang walang.. walang mawawala!..



eto ang mansanas oh!.. gusto mo?..