NORTHLUZON EXPRESSWAY GINHAWA? O MALAKING ABALA? HANGO SAAKING KARANASAN
Alas otso ng umaga tinahak namin ang DAU pampangga upang bumili ng mga gamit pang militar.. hunting knife, samurai, bala at kung anu-anu pa. mura daw kasi doon. parang isang kartimar ng puro military equipments ang itinitinda. at meron ding mga naiwan ng mga amerikano noong silay nsa clark pa. habang tinatahak namin ang DAU pampangga nakita ko ang malaking pag babago ng NLEX (north luzon expressway) simula kasi nung nai-turnover yun sa Private sector ang improvement nito ay malaki. magandang daan hindi tulad ng dati bawat ilang metro my lubak. ngayon talagang wala na. mag lagay ka pa ng basong my tubig sa dash board mo d ata matatapon..at saan ka pa? bawat 500 meters my emergency calling station at my guardya pa sa tabi nito? maliwanag na traffic signs at mlalaking tollgate ang bubungad sayo.. talagang maganda na ang kinalabasan nito.. papunta kame ng pampangga humanga talaga ako sa NLEX ang ganda na. within 1hr45 mins. nsa DAU na kami hindi tulad ng dati mga aabuti ka ng 3 oras sa sama ng daan nung nsa PNCC pa ang pmamahala nito.
yung nga lang pag pasok mo ng NLEX ang taas ng TOLL 173.00 upon entering yung toll gate tapos sa exit magbabayad ka ulit pero ok lang sulit naman eh.
hanggang sa nakarating kami ng DAU at nagawa na namin ang mga dapat namin gawain doon..nakapamili din kami ng ung anu anu enjoy talaga.. kasi yung mga nabibili mo sa HANN na worth 3500 na knife eh sa dau mga makukuha mo sya ng 1200php ang laki ng deperesya at nkakasigurado ka US made kasi...
pauwi na kami at napatigil muna kame sa shell NLEX parang PETRON GASVILLA na located sa SOUTHWOODS. nag CR kasi ako noon.. yung driver namin na brod ko din sa Demolay ang nagmamaneho tatlo kame ako si warren at si gino.
sa saobrang kulit paguusap at kung anu-anu pa. nakalimutan namin mag pa karga ng GAS in short naubusan kme nang gas.. TUMIRIK KAME!
ako kampante ako na tutulungan ako ng mga NLEX SERVICE CREW. sabi ko pa "tol hightech na tong toll na to! wlang problema dyan! kung satin nga sa south mabilis rumisponde d2 pa kaya eh private na toh!"
bumababa ako at humingi ng tulong sa GWARDYA.nanandun sa TOLLGATE nka tayo. sya nga pala sa toll gate na mismo kami nawalan ng gas...
tapos lupampit ako sa gwardya.. biruin bago lahat ang baril, flashlite, radio at uniporme nila.. sabi ko ayos! mukang snappy ong mga toh.. lumapit ako ngayon " Guard na ubusan kasi kame ng gas baka naman pwede makahingi ng assistance?" sagot ng GWARDYA " sir ok sandali lang po. anu p ba nangyari? naubusan lang kme ng gas bka naman my mga service or yung mga towing services nyo my dalang gas babayaran nlang namin.. kasi hindi naman kailangan hatakin yung kotse kasi naubusan ng gas hindi sira yan" patuloy ang pag raradyo ng GWARDYA hanggang sa umabot na ko ng trenta minutos at parang hindi nila alam ang gagawin..mismong HEPE nila d alam ang gagawin? nagtuturuan at kung anu anu ang pinag sasabi...nag salita na ako ngayon.. sabi ko " hindi mo ba alam ang procedural pag my nawawalan ng gasolina? alam mo sa SLEX(south luzon expressway) lahat ng mobile dun my dalang gasolina para incase mawalan my panlagay agad.." hindi pa din ako pinansin ng gwardya at patuloy syang nakikipag usap sa radyo! naginit na ang ULO ko at kinaharap ko na ang gwardya at tinanung ko MY ALAM KA BA? ANUNG SILBI MO DITO? alam mo TGA LAGUNA PA KAMI at hindi namin naranasan ang ganito pag nasisiraan kami dun!" at akoy nakapag bitiw ng salita!
biglang my humirit " i-tow nalang yan.. pabatak na natin yan.." sumagot ako ngayo " hindi naman sira yang kotse nawalan lang ng gas tapos sisingilin mo ko ng LIBO! aba teka mukang hindi tama yan!" sabi saakin " itulak nyo nlang dun sa parking.. yung parking kasi tatawid ka pa ng toll gate"
ok cge tinulak nlang namin yung kotse.. wla man lang kaming nakuhang assistance sa NLEX or sa security in-charge sa nasabing at ininagmamayabang nilang NLEX..
nung nkarating na kami sa emergency parking at tumawag kami sa emergency calling booth..
naku po! alam nyo ba kung ilang oras pa kame nag hintay bago dumating ang RESPONDE? isa at kalahating oras!!!
matapos ang responde.. aba.. my tumigil na pick-up truck sa likod namin at nagngingit sa galit dalawang matandang mag asawa.. " kinuha na lang bigla ang lisensya ko wala naman akong VIOLATION??.." anu ang nangyayari dito! P***** ***!!!" tinawag nyo pang EXPRESSWAY eh npakatagal ng sistema!" .. sa kadahilanan kami ay paalis na.. iniwan na namin ang dalawang matanda na galit na galit at nag ngingit sa galit..
sa dinami dami ng mga nahuli noong araw na yun na walang kadahilanan.. sa mga nasiraan... nahirapan.. at sa mga nakaranas ng aming naranasan... pareparehas lang siguro kami ng naramdaman.. at kinainisan!!!
yan ang ipinag mamayabang nilang NLEX!!!
nagkamali pala ako sa aking pagkakaala.. nkakasilaw din pla ang panlabas na anyo.. pero sa kinahulihan.. ang panloob na anyo pa din ang mananaig!!!