Thursday, November 18, 2004

MALALIM NA SIMPLENG USAPAN

lahat ng tao my pangarap.. simple,malaki o maliit na pangarap..

ok lang naman libre naman eto walang bayad!. kahit simpleng tao my pinapangarap din. kahit baliw,tanga,bobo,inosente,bata,matanda,panget, at maganda.. my kanyakanyang pangarap

ikaw anung pangarap mo??. tingin mo?

ako simple lang.. dati ang pangarap ko maging isang bilyonaryo,madaming pera o kaya madaming kayamanan..

nag iikot ako sa muntinlupa kasama ko ang aking pinsan. sa loob po ng bilibid sa my katarungan village. hindi kami sa loob ng selda ah! dun sa my subd. malapit dun.. pero sa loob ng bilibid yun..

at napadaan kami sa isang kaibigan.. kaibigang matagal naming hindi nakasama at nakita!..

sya'y isang pulis.. na my simpleng buhay, my pamilya, at my bahay..

ako'y sadyang natuwa at nagbago ang pananaw ko sa buhay ng magkainuman kaming muli ng aking kaibigan. sa kasarapan ng aming diskusyon. akoy napatanung sa kanya ng isang suwestiyon na akala eh reklamo at pagkainis sa buhay ang isasagot saakin..

sya po ay my tatlong anak na nag aaral sa public school malapit sa kanila. may asawa at my maliit na bahay. raw cost housing kung tawagin..

natanung ko? pare hindi ka ba nahihirapan sa buhay at trabaho mo? baba ng sweldo ng pulis ngayon ah??. my pamilya ka pa??

sagot nya:

pare kontento na ko sa buhay ko ngayon.. marangal na trabaho.. malulusog na anak.. matapat at matulungin na asawa.. ANU PANG HAHANAPIN KO? may bahay kami na matatawag kong AMIN! at ang mga anak ko ay masisipag mag aral... basta ako pare d na ko nag hangad yumaman.. ang importante saakin napapakain ko ang pamilya ko ng TATLONG BESES SA ISANG ARAW ok na yun!.. at isa pa ang sarap gumastos pag pinagpawisan mo ang perang pinapakain mo sa kanila..na hindi nangaling sa anu mang masama! alam mo ibig sabihin ko doon pare!.. at kahit na ganito ako napupunuan ko namn ang pangagailangn nilang pinansyal..

pagkatapos noon akoy walang nagawa kundi tumango na lang sakanya.. at patuloy pa din kaming nag usap tungkol sa buhay buhay... nakakatawang isipin na parang nag bago ang ikot ng mundo ko.. ang sarap.

sinabi ko sa sarili ko pagkatapos nyang sabihin saakin yun ..

kung anung meron ako ngayon at kung my dadating pa? tangap lang ng tanggap.. at paghirapan natin kahit na anung dumating at hinahangad sa buhay natin..

simpleng buhay, at pamumuhay..

simple!!