Tuesday, October 05, 2004

MMDA,PULIS, at ATBP.!!



alas otso ng umaga ako ay tumahak patungong alabang upang ipagawa ang aking sasakyan. napansin ko ang mga pulis, trapik enporser, at ibat ibang mga authoridad ng trapiko. at isa din sa napansin ko sa mga ito na silay parang gutom na gutom at hindi pa ata nag aalmusal. kaya anu pat silay nanghuhuli.. huli dito huli doon!!

samahan nyo muna ako batikusin natin ang mga bulok na sistemang ito..

napansin ko na hindi naman sila nagpapagaan ng trapiko kundi silay nag papasikip pa. minsan akoy nag mamaneho kasama ko ang aking ina. at nasabi niya minsan ito! " lecheng mga enforcer to! imbes na mag pagaan ng trapiko sila pa ang cause ng trafik!"

kung sabagay? totoo naman diba? kaya naman cguro itoy sumisikip dahilan sa yung ibang mga kasamahan nila ay walang proper training pag dating sa TRAFFIC MANAGEMENT.
na dapat itinuturo ng maigi sa mga ito.

at isa pa sa mga napansin ko ay ang mga pangongotong nang mga ito!! itoy bagamat pinigilan na ng mga opisyal sa gobyerno. ay patuloy pa din nilang ginagawa. siguro ang dahilan ng mga ito ay ang mababang sahod o bulok na pagpapalakad ng administrasyon ng kawani ng gobyernong naatasan sa sangay na ito..

nakakaawa man nating isipin na ang mga taong itoy nag-bababad sa initan at minsan sa ulan. at kahit na bumabagyo pa!.. silay patuloy pa din sa serbisyo upang kahit na sila ang dahilan nang pagsisikip minsan, at least ginagawa pa din nila ang kanilang mga tungkulin.. tungkuling paluwangin ang nagsisikipang trapiko!..

sa panahon ngayon siguro kailangan natin ng disiplina, hindi pagbabago.

dahil kung lahat disiplinado, walang tarantado!!