ANG PASKO!
Malamig na ang hangin.. malamig na ang gabi.. at patuloy pa din itong lumalamig habang palapit na ang pasko. Ang paskong pinakahihintay ng lahat, bata,matanda,binata,dalaga at ng lahat!..ang bilis ng panahon ano? Parang kailan lang summer, tapos magpapasko na ilang buan nalang..
noong bata ako lagi kong inaabangan ang pasko.. syempre punta sa mga kamag-anak,ninong at mga kaibigan ng tatay ko upang humingi ng aguinaldo. Naalala ko pa noon. Ang tatay ko mag papalit ng tiglilimang pisong papel sa halagang 500 piso. Syempre bata ka pa noon ang kapal ng pera mo!.. at syempre hindi mawawala ang payabangan ng mga regalo at paramihan ng pera..
at pag dating palang ng alas otso ng umaga wala ng tigil ang doorbell namin sa bahay ng kakatunog. Halo-halo ang mga taong nag pupunta saamin.. inaanak,barangay tanod, pulis, at simpleng mga namamaskong mga bata.. namamasko po!!!..
ang sarap sana lagi pasko nalang walang problema. Sama-sama lagi ang pamilya..
walang problema!
Ilang pasko na din ang naka-lipas nanatiling malamig pa din ang pasko ko. Hindi ko naman ikinalulungkot yun pero bagamat ganoon ang mga nangyari .Lagi pa din sumasayad saaking isipan bakit kaya?
Napaglipasan na ba ako ng panahon?? Tadhana??
My mahahanap pa kaya akong iba??..
Sa tingin mo medyo korny o ang drama pero natatanung ko yun saaking sarili lalong-lalo na pag akoy nagiisa at nag iisip ng malalim..
Hindi ako naiingit sa iba. Pero diba natatanung ko din minsan. Kung sila meron? Bakit ako wala??
Ang hirap noh?? (oh! Sasabhin mo sa pasko nag simula ang kuwento! bakit napunta sa lablyp!)
Hayaan mo muna akong ilabas ang aking damdamin.. pleaseee konti na lang to!!
Ang pasko pala parang pag ibig! Hinihintay din.. inaabangan ng bawat tao..
Ang sarap pag dumating na sa buhay mo ang pasko.. madaming regalo, pagkain at higit sa lahat pagmamahalan!..
Parang pagmamahal madaming kiss, embraces, at lambingan..
Magkapareho ano?? Diba??
Sabi sayo eh!!.. pero ok lang yun!.. kahit na malamig ang kapaskuhang darating saakin. Kahit papaano naiseselebrate ko naman ito..
Siguro my dahilan kung bakit nangyayari saakin to! Naniniwala naman kasi ako na ang buhay ng tao ay masaya hindi masarap!..walang madali sa mundong ito.. lahat pinaghihirapan, inaantay, pinagpapaguran!..
Siguro dapat ko lang gawin..
Mag-hintay
Paghirapan
At higit sa lahat..
Tiis lang muna!!...
Darating din siguro???..
sa tingin mo??