Thursday, July 13, 2006

V I D E O K

pare! papindot naman 5535! pare eto the best to papindot 6689! pare akin nang kanta yan! hey its my turn....

marahil ang mga eto ay naririnig mo pag nasa tapat ka ng videoke machine o kanta sinko kung tawagin ng mga mahilig sa videoke.. sa piyesta,kaarawan ng ating kapanganakan,sa simpleng salo-salo at minsan sa burol ng patay karamay natin ang videoke sa mga oras na ito..oo aminado ako saakin na ang trono ng mikropono pag nahawakan ko na ito.. wala ng aagaw pa! ang sarap kumanta eh dba? yung tipong kahit sintonado ka na basta hataw pa din sa pagkanta basta feel mo ang kanta hala!! cge pa din..

isang trivia lang ha! alam nyo ba ang nkaimbento ng karaoke eh pinoy? at pati na din ang videooke ay pinoy din ang nakaimbento. yun nga lang hindi ito sinuportahan ng ating gobyerno kayat nakuha at ibenenta nalang ng imbentor nito ang patent sa ibang bansa tulad ng bansang hapon.. at kinalaunan pinaganda at pinagbuti ito ng bansang hapon at eto na ang pinagkakaguluhan at pinagkakalibangan ng bawat pinoy mapasakanto o mapasa bahay man!..

ang videoke lagi na cgurong kasama ng mga pinoy..marami akong kakilala pag masama ang loob nila ibinubuntong nila eto sa videoke at ikakanta nlang nila! (syempre with matching redhorse at boy bawang yan!) at minsan naman sa sobrang inlove nila sa mga kanilang iniirog ikinakanta na lang din nila eto! at eto pa minsan naman sa sobrang stress sa trabaho ang outlet ng mga loko ay videoke pa din!..

sarap isipin noh? ang videoke pala eh nkakatulong din sa mga taong nangangailangan ng panandalian aliw..masaya mag videoke lalo na pag kasama mo mga kaibigan mo o kapamilya mo nandyan ang pataasan at pagalingan kumanta.. minsan naman naggagaling-galingan lang!.. ok ang videoke at saludo ako sa nakaimbento nito! kung itatanong mo saakin kung sino ang nkaimbento nito eh hindi ko alam!

masaklap din minsan makita na ang videoke ay sanhi ng bangayan at minsan humahantong sa patayan.. kaya kung ako sainyo wag kakanta ng MY WAY! lala na pag my LESPU O PARAK na bumibirit dahil sigurado pag hindi maganta ang tono ng boses mo sa pandinig nila eh bka bugbug at buntal ang abot mo! o di naman kaya itumba ka at putukan ka ng kwarentaesinko o bakbakan ka ng armalite na mahaba!.. ewan ko ba! dyan kasi makikita ang mga pinoy ayaw mag pa lamang! gusto nila sila lang ang magaling o sila ang hari.. pareho ng gobyerno natin madaming magagaling sa sobrang dami nila di na nila alam kung sino ang dapat sundin at anung dapat ipatupad sa mga batas na ginawa nila!.. o aaron medyo lumalalim ka nanaman.. bka maposasan ka nalang bigla!..

pero alam nyo! pero kung tutuusin masarap talaga mag videoke! lalo na pag my kasamang redhorse at boybawang!

pare sino next!!