ang bilis.. isang iglap!
minsan natatanong ko kung bakit ba tayo nabubuhay sa mundong ito. nakakatawa anu? minsan nga pag kami ng mga kaibigan o mga brods ko nag uusap usap lalo na pag dating sa pera , pagmamahal, pamilya at kung anu anu pa! laging dumadali sa isipan ko? bakit kailangan nating maranasan ang buhay na ganito? ganoon na ba ang nagawa nating kasalanan sa mundo at kung pahirapan tayo ay grabehan?nakakatawa at nakakainis isipin na minsan ang ganda-ganda ng araw mo.. tapos kinabukasan iba nanaman ang mararamdaman mo? tila parang nakakapanibago.. sana hindi ko na lang itinulog ang atok ko kahapon para kahit papano maramdaman ko pa din ang ganoong nararamdaman na napakasarap.
alam mo lagi naman ganoon eh diba?. palagi na lang natin naririnig na. ALAM MO PARTE NG BUHAY YAN!. pero bakit matanong kita? parte din ba ng buhay ang mahirapan, masaktan at higit sa lahat maranasan ang kahirapan?. ang sakit noon ah?
pero sabagay lagi ko naman sinasabi sa sarili ko na pag my problema akong nararanasan. my parating na swerte sa buhay ko. hindi lang natin alam kung kelan dadating malamang ngayon, mamaya, bukas o bukas makalawa...
ganoon lang kasimple ang buhay .. kahit sa isang iglap pwede kang maglaho sa mundong ito..
pero sana ang mga problema natin isang iglap lang din mawala..