EP-EKS!! ep-ekS!!!
matagal din akong hindi nakapag sulat sapagkat nagkaroon ng problema ang teknikal na departamento ng blogspot sa anung dahilan hindi ko alam! basta alam ko d ako nakapag sulat ng matagal!
kamakailan lang akoy sumakay ng pampublikong sasakyan "FX" kung tawagin tinatahak namin ang patungong sucat. Ako'y papunta doon upang mag magpapanayam sa aking pinasukang trabaho 'INTERVIEW". Syempre pag sasakay ka ng FX mag babayad ka diba? lingid saating kaalaman ang mga pilipino ay my pagka madaya pag dating sa pamasahe. pero iba ang nangyari saakin kanina.. my nag bayad tapos sabi niya " MANONG ETO PO BAYAD NAYONG PILIPINO LANG PO" tinanggap naman ni manong ang bayad. 40 pesos ang bayad. pero ang inabot ng babae 100 pesos. ang isinukli yata sakanya ni manong ay sobra. aba ang ale na yun ay isang mapagkakatiwalaan at huwaran! " MANONG SOBRA PO SUKLI NYO SAAKIN." binalik ni ale ang sobra at tumahimik.. makalipas ang ilang saglit my nag bayad ulit.. " MANONG SUCAT LANG PO" sinuklian ulit ni manong ang pasahero.. " MANONG SOBRA PO NG SAMPUNG PISO. ETO PO SOBRA"...
ako'y napangiti at napasabi sa aking isipan.. my mga taong matino at matapat pa pala sa panahon ngayon. paulit-ulit na ngyari ang mga sobrang panunukli ni manong at ang mga pasahero naman ay patuloy paring binabalik ang sobrang sukli..
sabi ko baka simula na ito ng magandang pagbabago? pagbabagong matagal na Nating hinahanap..
hinahanap noon pa..
sarap pala ng ganoon matapat, matino at higit sa lahat mapagkakatiwalaan ang bawat nakapalibot sayo..
eto nanaman ang simula ng pagsusulat ni MR. MONTENEGRO!
i thank u! BOW!