pinilit..
matagal din akong hindi nkapagsulat sa kadahilananghindi ko din alam. malamang naging mailap din saakin ang panahon. natatakot ulit akong mag sulat kasi mananariwa saakin ang mga nakaraang ayaw ko nang balik-balikan
hindi ko ba alam bakit nraranasan ko itong pagkalugmok ng dadamin ko ngayon.
hindi ko din alam kung saan ang patutunguhan ng pagsusulat kong ito. Lahat na ata ng problema sa buhay nararanasan ko na ngayon. Hindi ko din alam kung bakit nagkakaganito ang mundo. ang daming nangyayaring hindi mo maipaliwanag?. mag mula sa mamamayan hanggang sa gobyeno. ewan ko ba?
lahat pinagaawayan pagmamahal, pera, trabaho, position sa gobyerno, at kung anung ingay ang ginagawa nila upang mapansin ng mga taong bayan..
ang labo na ng sulat ko. pilitin mo na din intindihin kaibigan. ang hirap kasi mag sulat kung wala din pumapasok sa utak mo at wala na ding mailabas. hindi ko alam kung bakit?..
maraming mga tao dito sa mundo ang hindi nakukuntento sa mga ginagawa nila. minsan pag nasa-itaas ka na pilit ka pang ibinababa at hinihila pababa sa banging malalim. hindi mo ba alam kung inggit ba o talagang ayaw sayo?. nkakapraning!!!!
minsan nga tila baggang nkakapanibugho ang mga nangyayari sa isang katauhan.. ang hindi inaasahan dumating pag d kailangan.. ang kamalasan pag dumating naman sunod-sunod at patung-patong na biglaan din ang sungab sayo?..
hindi ko naman nkakalimutan mag dasal at manampalataya sa kanya.. pag nag dadasal naman ako sinasabi ko naman sakanya na patawarin ako sa mga kasalanan ko..
ngayon ng naniniwala na ko na pagmahal ka pala ng diyos mas lalo ka nyang pinahihirapan..
naintindihan mo ba?